Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Heart umiiwas sa stress

Heart umiiwas sa stress

HEART Evangelista

BAGAY na bagay kay Heart Evangelista-Escudero ang salitang “grace under pressure”.

Kahit na sobrang pagod na ang Kapuso leading lady dahil sa dami ng mga hinaharap niyang mga tao at sa pagbiyahe sa halos lahat ng lugar sa buong Pilipinas, nananatili pa ring fresh at walang bahid ng pagod ang hitsura niya.

Noong humarap nga si Heart sa entertainment media para sa press conference ng teleserye nila ni Dennis Trillo na “Juan Happy Love Story,” hindi halatang nanggaling pa siya sa malayong probinsya.

“Siyempre, ayoko namang magmukhang haggard ako, ’di ba?

“Yung mga kasama ko sa teleserye namin, mga fresh sila kaya kailangan fresh din ako.

“I learned how to take cat naps na sa mga malalayong biyahe.

“Kahit na saglit lang na tulog, nakaka-energize na ng katawan at utak,” ngiti pa niya.

Dagdag pa ni Heart, hindi lang daw ang pagbiyahe niya sa kung saan-saan sa Pilipinas ang nakakapagod kundi pati na rin ang pamba-bash sa kanya sa social media, lalo na nitong nakaraang campaign season dahil sa pagtakbo ng kanyang mister na si Chiz Escudero for vice president.

Pero dinadaan na lang daw ni Heart ang lahat sa pagngiti.

“Life is too short. Mahirap na ’yung nakakagalit ka sa mga batikos ng mga tao sa social media.

“Wala ka rin namang magagawa kung susuklian mo ng galit ’di ba?

“Noong una nakakainis talaga, pero in the long run, sino ba ang mapapagod? Sila rin, ’di ba? Kaya ako pinapabayaan ko na lang.

“Ayokong ma-stress kaya I learned not to read anymore.

“Tsaka sabi nga nila, nakakatanda ang stress. Kaya happy lang tayo. Ayokong tumanda agad, huh!” sabay tawa pa ni Heart.

Sa ikalawang pagsasama nila ni Dennis, inamin ni Heart na walang chance na ma-attract sila sa isa’t isa noong ginawa nila ang pelikulang “Mano Po: A Mother’s Love” in 2009 at ang GMA-7 teleserye na “Dwarfina” in 2011.

“That time, I was in a relationship with Daniel Matsunaga.

“And I think si Dennis, meron din yata. Hindi ko lang sure kung sino.

“Plus we don’t have many scenes together noon sa Dwarfina kasi mostly naka-chroma ang mga eksena namin.

“Si Dennis ang nasa location, tapos ako nasa studio for the special effects.

“Kaya bihira kaming magkita noon sa set.

“Siguro nga we weren’t meant to be attracted to one another.

“Kung sino ang partners namin ngayon, ’yun ang itinakda sa amin ni Lord,” pagtatapos pa ni Mrs. Heart Escudero. (Ruel J. Mendoza)

comments