Home » News » News Roundup » Mga VCMs nagloko sa Makati

Mga VCMs nagloko sa Makati

Naglokong Vote Counting Machines, kulang na ballot secrecy folders, matinding init, nawawalang mga pangalan, at naantalang botohan ang mga natanggap na reklamo ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting sa Makati City tungkol sa halalan kahapon.

Ayon kay John Brillantes, Parish Pastoral Council for Responsible Voting poll watcher, hindi naging sapat ang ballot secrecy folders para sa mga botante.

“Senior citizens here in Pio del Pilar High School had no choice but cast their votes without ballot secrecy folders. The Comelec officers told us they did not expect the surge of voters in the morning,” sinabi ni Brillantes.

Matinding init ang naranasan ng mga botante sa Valenzuela covered court. “It’s so hot. There was only a few electric fans inside, what I did was to rush casting my votes,” sinabi ng botanteng si Clara, 21.

Nagloko ang mga VCMs sa Barangay San Lorenzo at Rizal at naantala ang botohan dahil dito. “Some machines jammed, did not function or functioned slowly, while others failed to accept ballots when voters feed ballots,” sabi ng isang opisyal ng Commission on Elections.

comments