Home » News » Local » Sanya natutulala sa paghanga kay Rocco

Sanya natutulala sa paghanga kay Rocco

MAY dapat kayang ika-insecure si Lovi Poe kay Sanya Lopez? Open ang Kapuso newbie sa paghanga kay Rocco Nacino.

Sinabi pa nitong minsa’y natutulala siya sa Kapuso hunk.

Magkasama sina Rocco at Sanya sa requel ng “Encantadia” at puspusan na ang training nila para sa fight scenes. Ayon kay Sanya, madalas niyang tinititigan si Rocco kapag nag-eensayo sila. Palihim lang ang pagtitig niya para hindi siya mahalata ni Rocco.

Guwapung-guwapo siya sa binata, ayon pa kay Sanya.

Tahimik lang sina Lovi at Rocco sa tunay na estado ng kanilang relasyon. May mga nagdududa kung “sila” pa rin ba o wala na talaga “sila”? O, kung gimmick lang ba ang napabalitang break-up nila? Ano nga ba? (Rowena Agilada)

comments