Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sharon-Gabby reunion in planned movie

Sharon-Gabby reunion in planned movie

Tuloy na raw ang pagbabalik-pelikula ni Sharon Cuneta at nakatakdang magsimula ang shooting nito sa August this year. ‘Yun pala ang pasabog na binanggit ng megastar sa isang interbyu sa kanya.

Wala pang title ang gagawing pelikula ni Sharon at ayaw pang ipaalam kung sino ang kanyang leading man. May mga hula na hindi raw kaya si Gabby Concepcion ‘yun?

Kung sakali, welcome news ‘yun sa Sharon-Gabby fans na matagal nang nagnanais na muling magsama sa isang project (either TV or movie) ang ex-couple.

Kinakarir ni Sharon ang pagpapapayat para hindi siya maging alangan sa kanyang ex-husband, kung sakaling si Gabby nga ang magiging leading man niya sa kanyang comeback movie. Si Gabby kasi, napanatili ang pormang leading man at pagiging youthful looking kahit golden boy na siya. Yummy at papalicious pa rin ang ex-husband ni Sharon.

Ayaw makatrabaho

Sa isang interbyu kay KC Concepcion, sinabi niyang ayaw niyang makatrabaho sa isang project ang kanyang mama Sharon Cuneta.

Nothing personal, pero aniya, hindi siya magiging komportable dahil parang reality show na ang dating kapag nagkatrabaho silang mag-ina.

Naiintindihan naman ‘yun ni Sharon, kaya aniya, hindi niya pipilitin si KC kung gano’n ang iniisip ng kanyang anak.

Nirerespeto niya ang desisyon ni KC.

Pero ang kanyang papa Gabby Concepcion ay nakatrabaho ni KC sa isang pelikula with Jericho Rosales. Curious lang kami, bakit kaya hindi siya nailang katrabaho ang kanyang papa Gabby? Samantalang si Sharon naman ang nakasama niya mula pagkabata hanggang nagdalaga siya.

Kapuso pa rin

After John Lloyd Cruz, si Piolo Pascual naman ang Kapamilya actor na gustong makatrabaho ni Jennylyn Mercado sa isang pelikula.

Mukhang matutupad naman ang wish ni Jen dahil may nakapagsabi sa amin na si Piolo na nga ang susunod na magiging leading man niya.

Nauna nang nakatrabaho ni Jen si Sam Milby sa “No Boyfriend Since Birth,” sumunod si Jericho Rosales sa “Walang Forever” at si John Lloyd sa “Just the 3 of Us” na balitang box-office hit at diumano’y natalbugan nito ang movie nina James Reid at Nadine Lustre.

Patunay na kahit sino ang ipareha kay John Lloyd ay kumikita ang pelikula. Gano’n din kay Jennylyn na kahit sino ang kanyang leading man ay tanggap ng moviegoers.

Mag-e-expire ang kontrata ni Jen sa GMA Network this May at muli siyang pipirma sa Kapuso Network. Ito’y taliwas sa kumalat na tsika na diumano’y lilipat siya sa ibang network.

May nakalatag nang bagong teleseryeng gagawin si Jen. Hindi pa lang niya makumpirma kung siya nga ang leading lady ni Alden Richards sa remake ng Pinoy version ng “My Love from the Star.” May tsika kasi na magtatambal sila ni Alden sa isang upcoming series ng GMA7. Wait na lang tayo sa official announcement ng Siete.

Balik-ere na

Balik-ere na sa Monday (May 16) ang “Wowowin.” Mas pinabongga ang mga bagong game at papremyo, kaya tiyak na sobrang saya ang mga contestant.

Mas malaki na ang studio kung saan nagti-taping ang WWW. Sa two weeks na pagkawala nito sa ere, nasa Tagaytay si Willie Revillame at pinag-isipan niyang mabuti ang mga bagong pakulo ng kanyang game show. Tinitiyak niyang mas magiging masaya ang studio audience, lalo na ang mga senior citizens na malapit sa kanyang puso.

Excited na si Willie at ang kanyang production staff sa pagbabalik ng WWW. Ang co-host niyang si Donita Nose ay nagsabing masaya siya sa pakikipagtrabaho with him. Napakamarespeto raw ni Willie sa lahat ng kasama nila sa show.

“Kahit bakla ako, hindi niya ako tinatratong ganu’n. Para kay Kuya Wil, hindi ako bakla, hindi ako lalaki. Parang ano…host. Walang bastusan. Pantay-pantay lang kami sa kanya,” sabi ni Donita.

comments