Home » News » Local » Kim walang keber ibuyangyang ang sexy body

Kim walang keber ibuyangyang ang sexy body

Marami ang nagkakainteres na sa bagong Kapuso sexy star na si Kim Domingo.

Bukod kasi sa may maganda at maamong mukha ito, sobrang sexy pa ng katawan nito.

Kasama si Kim sa bagong primetime teleserye ng GMA-7 na “Juan Happy Love Story” kunsaan gumaganap siya bilang si Agatha.

Sa unang taping day pa lang daw ni Kim ay pinasuot na siya ng sobrang sexy na red bikini.

“’Yung unang pagkikita namin ni Dennis Trillo ay aahon ako sa pool, gano’n ‘yung eksena.

“Aahon ako, magugulat sila doon, and then bam! Hindi nila expected na ako ‘yung magiging ka-deal nila, ka-meeting nila.

“Yun ang first meeting namin. Magiging business partner na kami,” ngiti ni Kim.

Hindi naman daw kinabahan si Kim sa kanyang pagpapa-sexy agad sa teleserye dahil sanay na raw siyang magsuot ng bikini.

Naging cover girl na si Kim ng FHM noong 2015 at mas sexy pa ang suot niya kumpara sa pulang bikini na suot niya sa teleserye.

Mas kinabahan daw si Kim sa magiging reaction ni Dennis sa kanya. First scene nila kasi together iyon at halos wala pa siyang suot na damit.

“Natatawa lang ako sa reaksyon ng mukha ni Dennis!

“Yung reaction niya kasi lagi parang nagpapantasya siya.

“Kumbaga ako, noong una kasi wala pa kong gusto sa kanya. As in business lang talaga ako. Pero siya, iba ‘yung nasa isip niya. Kung anu-ano ‘yung nakikita niya,” tawa pa ni Kim.

French-Filipino si Kim kaya iba ang ganda nito. Panghihinayang lang ni Kim ay hindi raw niya nakilala ang French dad niya dahil sa Pilipinas na siya lumaki kapiling ang kanyang ina at lola sa Cebu.

Sumali rin pala siya noon sa Little Miss Philippines at naging daily winner siya.

Mahilig siyang isali ng kanyang ina sa mga beauty contest noong bata siya at minsan din siyang nangarap na maging beauty queen.

Ngayon ay regular din napapanood si Kim sa “Bubble Gang.” (RUEL J. MENDOZA)

comments