Home » News » News Roundup » Bakeshop sa QC, nasunog

Bakeshop sa QC, nasunog

Tinatayang aabot sa P50,000 ng ari-arian ang naabo ng masunog ang isang bakeshop Miyerkules ng gabi sa Quezon City.

Ayon kay Fire Supt. Jesus Fernandez, Quezon City fire marshall, naganap ang sunog dakong 3:20 ng hapon sa isang one-story building sa P. Florentino St., Barangay Lourdes.

Ang naturang building ay inookupahan ng Move in and Pick Bakeshop na pagmamay-ari ni Peter Santos. Ani Fernandez, nag-umpisa ang sunog sa kaliwang bahagi ng establishment.

Naapula ang sunog makaraan ng isang oras. Wala namang nasugatan sa nasabing sunog na kasalukuyang iniimbestigahan pa ng otoridad.

comments