Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Breastfeeding a challenge for mom-to-be Iya

Breastfeeding a challenge for mom-to-be Iya

14Iya Villania copy

TRY and try until you succeed. Ganyan ang nangyari kay Richard Gomez. Finally, wagi na siya sa huling pagsubok niyang pasukin ang mundo ng pulitika. Siya ang nanalong mayor ng Ormoc City. Aniya sa isang radio interview, ang unang aayusin niya ay ang peace and order situation doon.

Tututukan din daw niya ang tourism para maraming investors ang mahikayat. Pagtutuunan din niya ang health services, agriculture, patubig at iba pang pangangailangan ng kanilang siyudad.

Nanalo uling congresswoman ang wife ni Richard na si Lucy Torres-Gomez at maganda ang tandem ng mag-asawa.

Magtutulungan sila at susuportahan nila ang mga proyekto ng isa’t isa.

Lie low muna si Richard sa kanyang showbiz career at tutok muna siya sa mga gawain at responsibilidad niya bilang mayor. Monday to Friday, nasa Ormoc City siya. Weekends, dito siya sa Manila.

Dream come true

Dream come true kay Juancho Triviño na makapareha si Louise de los Reyes. Sila ang lead stars ng upcoming afternoon prime series ng GMA, ang “Magkaibang Mundo.” Ani Juancho, nang pumasok siya sa showbiz industry, iniisip niya kung sino ang posibleng makapareha niya, isa nga si Louise.

“Matagal na kaming magkakilala, kaya noong nalaman kong magkakasama kami sa isang project, natuwa ako, na-excite.

Komportable na kami sa isa’t isa, kaya nakikitaan kami ng kilig. May chemistry kami. Masaya akong magkatrabaho kami sa bago naming project sa GMA,” ani Juancho. Isang duwende ang role niya sa “Magkaibang Mundo.”

First time parents

Happy expectant parents sina Drew Arellano at Iya Villania sa first child nila. Baby boy ang ipapanganak ni Iya a few months from now. Baby A ang tawag nila.

Uma-attend si Iya ng breastfeeding seminar at aniya, excited siya bilang isang first time mom. Marami siyang natututunan. “So much to learn, so much can happen. Nice to be informed and know what options I have. I really hope to successfully breastfeed Baby A. I know it’s not gonna be easy, but challenge accepted. Looking forward to learning more in the future seminars. A happy place for mommas getting the support that every momma needs,” post ni Iya sa kanyang social media account.

Excited din ang hubby niyang si Drew. “All I ever think nowadays is becoming a daddy. Too excited,” post naman ni Drew. Twelve years na silang together ni Iya. Ten years ang kanilang BF-GF relationship, two years naman sila bilang mag-asawa. Seventeen years old lang si Iya noong naging boyfriend niya si Drew.

comments