Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Assunta balik-GMA, susubok sa teleserye

Assunta balik-GMA, susubok sa teleserye

Assunta de RossiBALIK-GMA si Assunta de Rossi at kasama siya sa cast ng “Magkaibang Mundo.” First teleserye ever niya ito sa Kapuso Network, kaya sobrang excited siya, ayon kay Assunta.

Comedy shows at mini-series ang ginawa niya noon sa Kapuso Network. Never pa siyang naka-experience nung talagang full-length soap opera na thrice a week ang taping at Monday to Friday ang airing.

“Yung ginawa ko noon, once a week lang ang airing. This time, try ko namang gumawa ng teleserye. I have never done that. It’s a nice opportunity,” saad ni Assunta.

Nasa GMA rin ang kapatid niyang si Alessandra de Rossi at maganda sanang mapanood silang magkasama sa future projects ng GMA. (Rowena Agilada)

comments