Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Beauty raring to get back to showbiz

Beauty raring to get back to showbiz

Beauty

By GLEN P. SIBONGA

NAGING emosyonal ang Kapamilya actress na si Beauty Gonzalez sa muli nilang pagkikita ng child star na si Jana Agoncillo sa ABS-CBN morning talk show na “Magandang Buhay” noong May 11.

Huling nagsama at gumanap na mag-nanay ang dalawa sa daytime teleseryeng Ningning. Namatay ang karakter ni Beauty sa serye at kinailangan niyang magpaalam sa show dahil nabuntis siya. Ngayon ay isa na siyang proud mommy kay Baby Olivia, na anak niya sa kanyang partner na si Norman Crisologo.

Sinurpresa nga ni Jana si Beauty sa unang TV appearance ng huli pagkatapos na magka-baby at huminto pansamantala sa showbiz. Umiiyak na sabi ni Beauty, “Kasi magandang buhay is where I started sa ‘Dream Dad’. Doon ako sumikat because of magandang buhay (ang pagbati na pinauso nila sa “Dream Dad”). Doon kami unang nagkasama ni Jana sa magandang buhay, and then sa “Ningning.” I mean, it just feels good na nagkita kami ulit sa ‘Magandang Buhay’ (the show). It’s like déjà vu na nagkita kami ulit sa magandang buhay. Thank you.”

Ano naman ang masasabi ni Jana kay Beauty? “Nung natapos na po yung ‘Ningning,’ na-miss ko po siya. Pinagdarasal ko po na sana magkita po ulit kami,” ani Jana, na masaya rin at natupad ang kanyang dasal.

Sinamantala rin ni Beauty ang pagkakataon na magpasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa “Ningning,” na hindi niya nagawa sa bigla niyang pag-alis sa showbiz.

Sa pagganap niya bilang nanay ni Jana sa “Ningning,” masasabi niya bang na-prepare na niya ang sarili niya sa pagiging mommy? “Yes, of course, kasi sobrang bait ni Jana.’’

Gusto na raw bumalik ni Beauty sa showbiz.

comments