Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Tom gusto nang magkaroon ng sariling pamilya

Tom gusto nang magkaroon ng sariling pamilya

TOM RodriguezGUSTO na ni Tom Rodriguez magkaroon ng sariling pamilya. Nag-iipon na siya for his future family. Nang tanungin ang Kapuso hunk actor kung magpo-propose na ba siya ng kasal kay Carla Abellana, isang makahulugang ngiti ang isinagot ni Tom. ’Yun na kaya ’yun?

Wait na lang tayo dahil mukhang may marriage proposal na magaganap sooner or later. Nasa marrying age na sina Tom at Carla.

Samantala, last day ngayon ng Tom-Car ukay-ukay sa Heatwave Clearance Sale sa World Trade Center sa Pasay City. Mga pre-loved items nina Tom at Carla, pati ng ibang Kapuso stars ang mabibili. Nagsimula ang Celebrity Ukay-Ukay noong Biyernes (May 13).

Ang proceeds ay ibabahagi sa educational program ng GMA Kapuso Foundation.

Anniversary treat
Ang sipag ng AlDub fans nina Alden Richards at Maine Mendoza mag-post sa social media ng update sa shooting ng movie nila sa Italy. “Imagine Me and You” ang working title na si Mike Tuviera ang direktor.

Maraming Pinoy roon, kaya ang daming pictures na ipino-post sa social media. Nai-feature pa sa isang Italian newspaper ang shooting ng AlDub movie. Nai-report na 35 ang crew ng movie at hanggang May 18 sila sa Paza Cavour, then lilipat sila sa Lake Como hanggang katapusan ng buwan.

Anniversary treat ito nina Alden at Maine sa kanilang fans. Sa July ang playdate kaugnay ng first anniversary ng AlDub love team at Kalyeserye sa “Eat Bulaga.”

Naghiwalay na
Hindi raw personal, hindi pulitika ang dahilan ng paghihiwalay nina Robin Padilla at ng kanyang management team, Vidanes Celebrity Marketing. Eh, ano kaya?

Ani Robin, desisyon niya ang pag-alis. Kung hindi personal at hindi rin pulitika ang dahilan, ayaw ipaalam ng magkabilang kampo. For the longest time, ang VCM ni Bechay Vidanes ang namahala sa career ni Robin, kaya marami ang nagtaka sa hiwalayan nila.

Could it be na matinding dahilan ang pinag-ugatan? Makukulit ang ilang miyembro ng press at hindi sila titigil alamin kung bakit naghiwalay si Robin at ang VCM. Abang-abang nalang.

Nasa healing process
Noong nag-break sina Dingdong Dantes at Karylle, natatandaan naming nagpunta sa isang retreat house si Karylle. Nagmuni-muni siya at nakatulong ’yun nang malaki para gumaan ang pakiramdam niya.

Nasa healing process ngayon ang kanyang mommy Zsa Zsa Padilla dahil sa break-up nito at ni Architect Conrad Onglao. Hindi kaya nai-suggest ni Karylle sa kanyang mommy na magpunta ito sa isang retreat house?

Bilang suporta kay Zsa Zsa, madalas na kasama ngayon ni Karylle ang kanyang mommy. Bonding-bonding silang mag-ina. Thankful si Zsa Zsa sa suporta ni Karylle at ng dalawa pang anak niyang sina Nicole at Zia, pati sa mga kaibigan niya. She feels so blessed, ani Zsa Zsa sa isang interbyu.

Lesson learned sa pakikipagrelasyon niya kay Architect Conrad, mahalin ang kanyang sarili at maging pribado ang kanyang private life.

comments