Home » News » News Roundup » Laborer patay sa gunman

Laborer patay sa gunman

Pinagbabaril hanggang mamatay ang isang 40 taong gulang na construction worker sa Quezon City noong Sabado ng gabi.

Kinilala ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang biktima na si Edwin Garingarao, taga-Pangasinan at stay-in sa covered court ng MRB Compound, Barangay Commonwealth.

Ayon sa mga pulis, nag-iinuman ang mga kasamahan ng biktimang sina Jay-ar Brioso, Ronie Valesteros, Rick Valesteros, at Ruel Fernandez sa covered court nang makarinig sila ng mga putok ng baril.

Tiningnan nila kung ano nangyari at nakita nila ang biktimang nakahandusay at duguan sa harap ng Building 4. Kaagad nilang ipinagbigay alam ang nangyari sa mga otoridad at dinala ang biktima sa ospital kung saan siya idineklarang patay dahil sa tinamo nitong tama ng bala sa katawan.

Narekober sa crime scene ang apat na basto ng bala ng kalibre .45 baril. Masusing nang iniimbestigahan ang insidente.

comments