Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Mag-ama binaril sa Pampanga

Mag-ama binaril sa Pampanga

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga – Isang 27-gulang na lalaki ang napatay habang malubhang nasugatan ang kanyang ama nang pagbabarilin sila ng isang armadong lalaki sa San Isidro, Nueva Ecija, nitong Linggo.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Janby Sileng, 27, single, residente ng Barangay Centro Sur, Sto. Niño, Cagayan.

Base sa police report, naghihintay ng masasakyang bus si Janby at ang kanyang amang si Genaro, 72, sa tapat ng ER Ramos eatery sa Purok 5, Barangay San Roque, San Isidro dakong 3:20 a.m. nang lapitan at barilin sila ng di kilalang lalaki na armado ng .45-caliber pistol.

Namatay si Janby sa Caviao General Hospital habang ang kanyang ama ay inilipat sa isang ospital sa Cabanatuan City para mas mabigyan pa ng tamang lunas.

comments