Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Thea says she’s ready for daring roles

Thea says she’s ready for daring roles

Thea Tolentino

NAGBABALIK sa pagiging kontrabida sa Kapuso teleserye na “Once Again” ang “Protégé” winner na si Thea Tolentino.

Sa naturang teleserye, ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez ang kanyang magiging biktima dahil pilit niyang aagawin si Aljur Abrenica rito.

Mas matindi raw ngayon ang pagiging kontrabida ni Thea sa “Once Again” kesa sa huli niyang teleserye na “The Half-Sisters.”

“Mas maldita po ako dito sa ‘Once Again.’ Tsaka mas daring po ako rito sa pagiging kontrabida ko.

“’Yung ginawa ko sa ‘The Half-Sisters,’ pang-high school lang iyon. Itong ginagawa ko sa ‘Once Again,’ pang-college graduate na!” malakas na tawa ni Thea.

Ready na raw si Thea sa mas mature na roles. Kaya handa na raw siya sa mga ipapagawa sa kanyang mga daring scenes, lalo na ang mga kissing scenes na kukunan with Aljur.

Hinanda na raw ni Thea ang kanyang sarili para sa pagkakataong ito. Hindi raw kasi forever ay magpapa-sweet lang siya sa TV.

“Kailangan may maturity na tayo sa mga pag-arte natin.

“I’m turning 20 years old na this year kaya I feel na ready na ako for more mature roles. Aktingan lang naman po ito, ’di ba?

“Simulan muna natin sa kissing scenes. Mapaghahandaan ko naman iyon.

“Paunti-unti naman po. Baby steps po muna. Ayoko ring biglain ang sarili ko,” ngiti pa niya.

Hindi ba magselos ang nababalitang boyfriend niya, ang Kapuso actor-singer na si Mikoy Morales, sa pagiging daring niya?

“Hindi naman po siya magseselos. Hindi naman po kami, eh.

“Actually, very supportive si Mikoy. Gusto niyang mag-mature na rin ako sa pag-arte ko sa TV. Tama lang daw na mag-experiment ako sa roles na ginagawa ko.

“Supportive na tao si Mikoy at lagi siyang nandiyan anytime na kailangan ko ang isang tunay na kaibigan,” pagtapos pa ni Thea Tolentino. (RUEL J. MENDOZA)

comments