Home » News » News Roundup » 2 magnanakaw tiklo

2 magnanakaw tiklo

Arestado ang dalawang lalaki dahil sa umano’y pagnanakaw ng cellphone ng isang guro sa Quezon City.

Sa follow-up operation ng Quezon City Police District (QCPD) Anonas Police Station 9 (PS-9), natunton ang mga suspek na sina Taher Ambaco, 39, may-asawa, driver, at residente ng 35 Lot-3, Bukid St., Brgy. San Jose, Montalban, Rizal habang ang kasama nito ay kinilalang si Angelito Ricafrente, 18-anyos, binata, helper at nakatira sa 826 Bolante I, Bagong Pagasa, Pasig City.

Base sa imbestigasyon, naglalakad ang biktima na si Salvador Fontanilla, 30-anyos, binata, teacher, at residente ng Pook Palaris, Brgy. UP Campus, Quezon City sa lugar malapit sa St. Bridget School sa Aurora Boulevard nang agawin ang ng mga suspek ang I-phone 5 at pocket wifi ng biktima.

Agad na naireport ni Fontanilla ang insidente na inaksyunan naman nina Police Officers 1 (PO1) Jonavi Rivas at Cherilyn Razonable ng PS-9. Nasakote ang mga suspek na kasalukuyang nakakulong sa PS-9 habang naghihintay ng pagsampa ng kaukulang kaso.

comments