Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Dominic likes it single

Dominic likes it single

18Dominic Roco  copy copy

HINDI worried ang Kapuso actor na si Dominic Roco na wala pa rin siyang girlfriend ngayon.

Inamin ni Dominic na apat na taon na siyang walang girlfriend pero enjoy naman daw siya sa pagiging single.

Huli raw niyang girlfriend si Maxene Magalona at noong 2012 pa ito.

“I’ve been single for four years, and I have no problem with that.

“Siguro ayoko lang ng pressure of being in a relationship.

“It’s a choice and I am not ashamed to be single,” masayang pahayag pa ni Dominic.

Kung hindi raw worried si Dominic sa kanyang pagiging single, lalo naman daw ang pamilya niya.

“I guess, they just don’t care kung may girlfriend ako o wala!” sabay tawa niya.

“No one in my family naman is asking kung bakit wala akong serious relationship ngayon.

“I doubt if they’ve noticed na four years na ang nagdaan at walang nali-link sa akin romantically.

“I guess they don’t bother me to ask kung kelan ako mag-aasawa?

“I’m just 27-years old and I’m still enjoying my life.

“Alam naman siguro ng family ko na ayokong ma-pressure. I just want to live my life the way I want it.”

Mas worried pa raw kesa sa kanyang pamilya ang mga close friends niya.

“Ang mga friends ko pa ang mas worried on why I’m not in a relationship for so long.

“They would ask me, ‘Bakit wala ka pang girlfriend?’ I would answer, “Ayaw ko pa eh, ’wag ninyo akong pilitin.’

“When you’re in a relationship kasi, it’s a big responsibility at ako hindi pa ready for such a big responsibility.

“May mga taong kaya ’yan agad. Hanga ako sa kanila.

“Iba-iba kasi ang mga tao especially when it comes to handling relationships,” diin pa niya.

Pero aminado si Dominic na nakakaramdam siya ng inggit lalo na kapag may nababalitaan siyang kaibigan niyang nag-settle down na at may sariling pamilya.

“If you’re ready to settle down, that’s the only time you find someone.

“I also want that someday. Pero kailangan ’yung ready na talaga ako to settle down. You don’t have to rush things,” pagtapos pa ni Dominic Roco na kasama sa cast ng GMA-7 primetime teleseryeng “Juan Happy Love Story.”
(RUEL J. MENDOZA)

comments