Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Gina pinaparusahan si Louise

Gina pinaparusahan si Louise

Louise delos ReyesLouise de los Reyes

MARAMING buhok na niya ang nalagas, ani Louise de los Reyes. ’Yun ay dahil sa kasasabunot sa kanya ni Gina Alajar sa mga eksena nila sa “Magkaibang Mundo.” Marami pa siyang hirap na daranasin sa pananakit at pang-aapi sa kanya ni Gina, pero okey lang, ayon kay Louise.

Nagkatrabaho na sila sa isang episode ng “Magpakailanman” kung saan gumanap sila bilang mag-ina. Naging director naman niya si Alajar sa “Tweenhearts,” kaya gamay na niya itong katrabaho, ayon kay Louise. Very motherly daw si Alajar at parang second mother na ang turing niya rito. Very supportive rin daw si Ms. Gina.

Pero sa “Magkaibang Mundo,” grabeng pahirap (physically) ang gagawin sa kanya ni Alajar at inihahanda na ni Louise ang kanyang sarili. “Hindi lang sabunot ang gagawin ko, sisipain, tatadyakan at ingungudngod ko pa siya (laughs),” ani Ms. Gina sa presscon.

Louise plays Princess, tagapagmana ng isang shoe businessman at shoe designer. Gina plays Noreen, ang sakim na stepsister ng daddy (Gabby Eigenmann) ni Princess. Nu’ng namatay ito, inapi na siya ng kanyang wicked aunt at step cousins.

Mala-Cinderella ang karakter ni Louise na aniya’y, isang dream come true. “Mula sa pagiging prinsesa, nagging katulong ako. Excited ako kay Princess. Very close siya sa akin dahil in real life, daddy’s girl ako. Nakaka-relate ako sa karakter ni Princess,” saad ni Louise.

GMA baby

GMA baby si Isabelle de Leon at lumaki siya sa Kapuso Network. Kaya naman sobrang thankful siya sa ibinigay na shows sa kanya noong bata pa siya, tanda ng tiwala sa kanyang kakayahan.

Balik-GMA si Isabelle ngayong dalaga na siya. Kasama siya sa “Magkaibang Mundo” where she plays Sofie, anak ni Noreen (Gina Alajar). Kontrabida rito si Isabelle at aniya’y sobrang kaba niya kapag sinasaktan niya si Louise.

“Sa totoong buhay, never ko pang nagawang manakit (physically) ng tao. At hinding-hindi ko ’yun magagawa,” ani Isabelle. Noong child star pa siya, nakatrabaho niya si Jiro Manio sa “Magnifico.” Gumanap sila bilang magkapatid.

Sa presscon ng “Magkaibang Mundo,” ani Isabelle, nalulungkot siya sa nangyari kay Jiro.

Aniya, matagal na silang walang communication since nagkatrabaho sila sa “Magnifico.” Ang natatandaan niya’y napakabait na bata ni Jiro, kaya nagulat siya nu’ng nalaman niya ang nangyari sa kanyang kababata sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport). Gusto niyang puntahan si Jiro. Pero nu’ng nalaman niyang ’andun na ang ilang kamag-anak nito, hindi na siya tumuloy, ani Isabelle.

Nu’ng puntahan naman niya ito sa bahay, wala si Jiro at nalaman niyang na kay Ai-Ai de las Alas ito. Wish ni Isabelle na malampasan ni Jiro ang pinagdaraanan n’ya ngayon at sana raw ay magkita sila soon.

Magsusuplado

Mamaya sa “Once Again,” magdadahilan si Aldrin (Aljur Abrenica) na ibibigay niya talaga kay JV (Jeric Gonzales) ang painting para iregalo kay Des (Janine Gutierrez). Maaalala nina Des at Aldrin ang isa’t isa. Di maalis sa isip ni Des si Aldrin. Nalulungkot naman ang huli dahil di siya dapat magkagusto kay Des dahil mahal ito ng kapatid niya (JV).

Magsusuplado na si Aldrin kay Des na ipagtataka nito. Magkakasundo na sina Agnes (Sheryl Cruz) at Celeste (Thea Tolentino). Darating si Lukas (Joko Diaz), ang tunay na ama ni Celeste.

comments