Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sheena Halili to host new comedy game show

Sheena Halili to host new comedy game show

SHEENA Halili

AFTER Marian Rivera, si Sheena Halili naman ang binigyan ng pagkakataon ng GMA7 na maging host. Bagong adventure ito sa career ni Sheena at masusubukan ang kakayahan niya sa isang upcoming comedy game show, “Laff, Camera, Action!”

Co-host ni Sheena si Betong Sumaya at magsisimula ang kanilang comedy show sa May 28. Every Saturday ito mapapanood.

First hosting job ito ni Sheena at aniya, exciting at challenging ang bagong project niya sa Kapuso Network. More than a decade na siyang Kapuso at super thankful siya sa patuloy na tiwalang ibinibigay sa kanya sa pamamagitan ng iba’tibang project naginagawa niya.

Wish ni Sheena na tanggapin din siya bilang host, tulad ni Marian Rivera. Maganda ang feedback sa “Yan ang Morning” show ng wifey ni Dingdong Dantes. Carry ni Marian mag-host ng isang talk show.

By the way, isa na namang interesting topic ang ihahatid ng YAM today at 10:45 a.m. Ibabahagi kung paano magsimula ng isang maliit na negosyo na maliit lang ang puhunan at pwedeng nasa bahay lang. Guests sina Kris Bernal at Ryza Cenon na may kanya-kanyang food business na maliit lang ang puhunan pero malaki ang kita.

comments