Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Dating barangay tanod pinaslang

Dating barangay tanod pinaslang

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga – Patay ang isang barangay tanod nang barilin ng dalawang di kilalang lalaki na nakasakay sa motorsiklo sa loob ng tricycle terminal sa Arayat, Pampanga, nitong Martes.

Kinilala ni Senior Supt. Rodolfo Sabate Recomono Jr., Pampanga Provincial Police Office (PPPO) director, ang ang biktima na si Joel Galang, 52, tricycle driver at dating tanod ng Barangay Cacutud, Arayat.

Base sa imbestigasyon, binaril ng dalawang salarin ang biktima habang naghihintay ng kanyang mga pasahero sa loob ng terminal.

Namatay noon din ang biktima dahil sa mga tama ng bala sa ulo at dibdib.

Tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklong walang plaka.

Sinabi ng police na patuloy nilang sinisiyasat ang insidente para madakip ang mga salarin.

comments