Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » PPCRV volunteer hinoldup

PPCRV volunteer hinoldup

ZAMBOANGA CITY – Tinangay ng tatlong holdupper ang pera at personal na gamit ng isang miyembro ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa national highway, Barangay Boalan, nitong madaling araw ng Lunes.

Kinilala ng Divisoria Police ang biktima na si Daren Antonio Tarres, 36, nakatira sa Zone 3, Boalan.

Ayon sa police, nakaangkas si Tarres sa isang Honda XRM motorcycle na minamaneho ni Anna Lovella Manuel dakong 12 a.m. nang hinarang sila ng tatlong kalalakihang nakasakay sa motorsiklo at tinutukan sila ng baril.

Kinuha ng mga holduper mula sa shoulder bag ni Tarres ang isang Nokia cellphone, external hard disk, isang wallet na naglalaman ng ATM cards at identification cards, isang bank check na may halagang P7,000, at P25,000 cash. Mabilis na tumakas ang mga holduper patungong Lobregat Highway.

comments