Home » News » News Roundup » Lolo namatay sa hotel

Lolo namatay sa hotel

Natagpuang patay ang isang matandang lalaki sa loob ng isang hotel sa P. Bernardo St., Barangay San Martin de Porres, Quezon City noong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang biktima na si Anselmo Bauzon, 84, taga-Pangasinan at kasalukuyang nakatira sa 16th Ave., Barangay East Rembo, Makati City.

Ayon sa imbestigasyon, kinatok ng dalawang room boys ang silid ng biktima upang ipaalam sa kanya na tapos na ang kanyang oras ng pamamalagi.

Binuksan nila ang kuwarto nang hindi sila pagbuksan ay nakita nila ang biktima sa ibabaw ng kama na hindi na gumagalaw.

Dinala ang biktima sa East Ave. Medical Center kung saan siya idineklarang patay. Walang nakitang sugat o bali sa katawan ang biktima ng mga pulis at hindi nila binanggit kung may kasama siya pagpasok ng hotel.

Hinihinalang namatay sa atake sa puso ang biktima.

comments