Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Mark and Winwyn open na sa relasyon nila

Mark and Winwyn open na sa relasyon nila

MAGBABALIK-GMA ba si Ogie Alcasid? Guest kasi siya today sa “Yan ang Morning” kung saan ibabahagi niya kung paano nila napapanatili ng wifey niyang si Regine Velasquez ang mainit at matamis nilang pagsasama. Five years na sila bilang husband and wife.

Ayon kay Ogie, isa sa mga sikreto ng matatag na samahan nilang mag-asawa’y dinadaan nila ang lahat sa malambing na kantahan. Bukod dito, kailangan ang makulay na kuwentuhan at siyempre, masarap na kainan.

Ituturo naman ng host ng YAM na si Marian Rivera ang masasarap na lutuing ihahanda para sa mga mister. May kasabihang “The way to a man’s heart is through his stomach.”

Hudyat kaya ng pagiging Kapuso muli ni Ogie ang guesting niya sa YAM? Mapapanood na kaya siya sa iba pang GMA shows? Abang-abang na lang.

Super bad girl

Marami ang nagsabi kay Thea Tolentino na bagay sa kanya ang role bilang Pirena sa requel ng “Encantadia.”
Nag-audition siya para sa role bilang Danaya pero hindi siya pinalad na mapili dahil sa baguhang si Sanya Lopez ipinagkatiwala ang role.

Hindi naman siya nagtampo at hindi rin sumama ang loob niya, ayon kay Thea. Inisip nalang niyang talagang hindi para sa kanya ang role. May kapalit naman itong bagong show at isinama siya sa “Once Again.”

“Okey lang, basta may trabaho,” saad ni Thea.

Sobrang bad ang karakter niya bilang Celeste. Ang sarap sabunutan at sampal-sampalin ni Thea sa pang-aaping ginagawa niya kay Janine Gutierrez (Des). Kabaligtaran ito ng personalidad ni Thea sa totoong buhay dahil sweet, hiya-hiyaan at parang hindi siya makabasag-pinggan.

Mamaya sa “Once Again,” magpapanic sina Des at Aldrin dahil nakulong sila sa elevator. Magtataka si Celeste kung bakit hindi nakarating si Aldrin sa dinner nila with her dad (Lukas). Makukumpirma ni Madel na si Agnes ang tunay na ina ni Des. Wala siyang balak ipaalam kay Des ang totoo dahil ayaw niyang mawala ito sa kanya.

Mahal na mahal

Very open na sina Mark Herras at Winwyn Marquez sa kanilang relasyon. Super proud si Mark at parati niyang sinasabi na mahal na mahal niya si Winwyn.

Sinasabi naman ng mga taong malalapit kay Mark na good influence sa kanya si Winwyn. Ang laki raw ng ipinagbago ng Kapuso actor na mature na ngayon ang mga pananaw sa buhay. Nakikita nilang seryoso na si Mark sa trabaho dahil gusto raw nitong makaipon for his future family.

Para kay Mark, si Winwyn na ang “the one” for him at desidido siyang pakasalan ang kanyang girlfriend. Tanggap naman ni Winwyn ang anak ni Mark sa pagka-binata.

Engaged na

Engaged na rin sina Kaye Abad at Paul Jake Castillo. Nag-propose ng kasal si Jake noong mismong kaarawan ni Kaye.
Ang ex-boyfriend ni Kaye na si Chito Miranda ay happily married na kay Neri Naig at may isa na silang anak.

Si Melissa Ricks naman na ex-girlfriend ni Jake ay may anak na rin sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Ikakasal naman sina Solenn Heussaff at Isabel Daza sa kanilang respective fiancés na parehong foreigners. May 21 ang kasal ni Solenn kay Nico Bolzico sa France. Within this year din ang wedding ni Isabel. Ikakasal din si Rufa Mae Quinto sa Fil-Am fiancé niyang si Trevor Magallanes.

Ang mga pregnant namang showbiz personalities ay sina Iya Villania-Arellano, Toni Gonzaga-Soriano, Mariel Rodriguez-Padilla, Nadine Samonte-Chua, Chynna Ortaleza-Cipriano (nanganak na kaya siya?), and who else?

Best birthdays ever

Hindi pa rin diretsang umaamin sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa totoong estado ng kanilang relasyon. Pero panay ang travel nila together here and abroad. Sa Maldives sila nag-celebrate ng kanilang birthdays, May 12 si Dennis, May 15 naman si Jen.

Sa post ni Jen sa kanyang Instagram, ang caption niya’y, “It’s the best birthday ever! Thank you po sa lahat ng greetings! I love you guys.”

For sure, best birthday ever din ito ni Dennis. More than enough na ’yung mga sighting kina Dennis at Jen. No need para kulitin silang umamin na nagkabalikan sila. Enjoy-enjoy, loving-loving lang sila sa kanilang second chance. Happy lang! Okey, fine!

comments