Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jasmine spared from bashing by AlDub fans

Jasmine spared from bashing by AlDub fans

25marian rivera copy copy

KAABANG-abang ang TV commercial ng mag-inang Marian Rivera-Dantes at baby Zia. Nag-shoot na sila para sa isang baby care product endorsement. Napag-alaman naming walang naging problema kay baby Zia during the shoot, as if daw sanay na ang bagets humarap sa kamera.

Super proud parents siyempre sina Daddy Dingdong at Mommy Marian sa kanilang cute bundle of joy. Present si Daddy Dingdong noong commercial shoot ng kanyang mag-ina. Supportive ever siya sa dalawang babaeng pinakamamahal niya sa buhay. Hindi naman kaya stage father si Dingdong? Joke!!!

Super close na

Dapat nga bang mag-alala o ma-insecure si Paulo Avelino kay Paolo Contis? From the grapevine, diumano’y super close na kay Paolo ang lovechild nina Paulo at LJ Reyes na girlfriend ngayon ni Contis.

Parang tunay na anak ang turing ni Paolo sa bagets, ayon sa ilang taong malalapit kina Contis at LJ. Dahil siguro madalas nakikita at nakakasama ng bagets si Paolo, napalapit sila sa isa’t isa. Nakakita ng father figure ang bagets kay Paolo.

Baka naman hindi nag-e-effort si Avelino dalawin ang anak nila ni LJ? Baka naman puro trabaho na lang ang focus ni Paulo kaya nawawalan siya ng oras for his son? Hindi naman sana. Dahil kung gusto, may paraan. Kung ayaw, may dahilan. Not unless, ipinagdadamot ni LJ kay Paulo na makita ang kanilang anak.

Cool lang

“Taken” na si Jasmine Curtis-Smith, kaya hindi siya maba-bash ng AlDub fans nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Kasama si Jasmine sa ginagawang movie nina Alden at Maine na may working title na “Imagine You and Me.”

Non-showbiz ang boyfriend ni Jasmine, si Jeff Ortega na ang pamilya ay may-ari ng isang beach resort sa La Union.

Hindi ka-love triangle nina Alden at Maine si Jasmine, kaya cool lang at walang dapat maging violent reaction ang AlDub fans.

Nasa Italy na si Jasmine kung saan sinu-shoot ang Alden-Maine movie. May picture nang lumabas sa social media na magkakasama silang tatlo. May picture rin sina Alden at Maine na kasama si Mayor Mario Lucini ng Como, Italy.

Nanood ito ng shooting ng AlDub movie na si Mike Tuviera ang direktor.

Nakatakda silang bumalik sa Pilipinas next week. May ilang eksena pa ring kukunan dito sa ating bansa. Sa July ang showing ng movie para sa anniversary ng AlDub love team nina Alden at Maine.

Baby girl

Hindi pa pala nanganganak si Chynna Ortaleza-Cipriano. Sa ipinost niyang picture sa kanyang social media account, malaki na ang kanyang tiyan. Baby girl ang isisilang ni Chynna na papangalanan nilang Lara Serena.

Kung nagawa nilang ilihim ng husband niyang si Kian Cipriano ang early months ng pregnancy ni Chynna, ngayon naman ay panay ang post ng mag-asawa na ipinapakita ang baby bump ni Chynna. In fairness, maganda magdala ng kabuntisan si Chynna at mukha talagang girl ang panganay nila ni Kian. Ang ganda ng aura ni Chynna.

Mall show

Paalala sa Kapuso viewers ng “Once Again.” Mamayang hapon na at 5 p.m. ang mall show ng “Once Again” stars na sina Aljur Abrenica, Janine Gutierrez, Jeric Gonzales, Yasser Marta at Analyn Barros sa Market! Market! Taguig City. Kitakits!!!

comments