Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Mga pulis inambush sa Zamboanga Sibugay

Mga pulis inambush sa Zamboanga Sibugay

ZAMBOANGA CITY – Ambush ang inabot ng grupo ng mga pulis na nakatakda sanang maghain ng arrest warrant sa isang murder suspect sa Malangas, Zamboanga Sibugay noong Huwebes.

Ayon sa ulat, papunta si Malangas police commander Insp. Dexter Gumahob Adrias kasama ang ilan pang mga pulis sa lugar kung nasaan si Kahal Abdu upang ihain ang warrant na may kinalaman sa kasong murder at piracy.

Ang nasabing warrant ay nanggaling sa Regional Trial Court, Branch 51, 4th Judicial Region sa Puerto Princesa City, Palawan.

Pagdating sa Barangay Sinusayan ay ilang grupo ng armadong kalalakihan, sinasabing nakapwesto sa mataas na bahagi ng lugar, ang nagpaputok sa direksyon ng mga pulis, dahilan para masugatan si Adrias sa hita.

Agad na itinakbo si Adrias sa pinakamalapit na ospital kung saan ito nilapatan ng paunang lunas.

comments