Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Yeng may dasal para sa asawa

Yeng may dasal para sa asawa

Yeng and Yan

By GLEN P. SIBONGA

IBINAHAGI ng mag-asawang Yeng Constantino at Victor “Yan” Asuncion ang kanilang mga pangarap at ipinagdarasal sa Panginoon para sa isa’t isa at sa kanilang relasyon.

Kasama na rito ang magkaroon ng mga anak sa hinaharap.

“Ang prayer ko ay sobra pang maging colourful yung life niya. Sobrang colourful na niya, pero I believe na sobra pang magbo-blossom yung relationship natin lalo na pag magka-baby tayo. Kahit may family na tayo, ang prayer ko talaga sobrang ma-enjoy lang natin kung ano ang mayroon tayo na ibinigay ni God sa atin. Sobrang excited ako,” sabi ni Yan nang mag-guest sila ni Yeng sa “Magandang Buhay” ng ABS-CBN noong May 17.

Kailan ba nila planong magka-baby? “Two years pa,” sagot naman ni Yeng. “After two years, makikita n’yo na po yung mga maliliit na Yeng at Yan.”

Kasama raw dito ang plano nilang lumipat ng bahay na akma sa pagkakaroon ng pamilya. “Actually, as early as now, nag-aano na kami… baka next month magplano kami na mag-move sa another house. Kasi gusto talaga naming yung may lugar yung bata. Iyon ang iniisip namin,” paliwanag ni Yeng.

Dasal naman ni Yeng para sa kanila ni Yan, “Na hindi magsawa sa akin si Yan. Iyon lang talaga ang gusto ko, yung parang kung ano yung napi-feel niya sa akin noong first time kaming nagkakilala pati nagligawan, hindi iyon mawala. Kahit pa yung sinasabi na tumanda na, kahit maputi na yung buhok namin or mag-iba pa yung look namin.”

Mahigit isang taon nang mag-asawa sina Yeng at Yan nang ikasal sila noong February 14, 2015.Lagi pa rin daw silang kinikilig sa isa’t isa. Ine-enjoy rin nila ang pagkakapareho ng mga gusto at hilig nila gaya nalang ng pagiging vegetarian nila pareho.

A photo posted by Yeng Constantino (@yengconstantino) on

comments