Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Betong, Sheena equals BetSheen

Betong, Sheena equals BetSheen

sheena and betong

By RUEL J. MENDOZA

HINDI makapaniwala sina Sheena Halili at Betong Sumaya na sila ang napiling maging hosts ng pinakabagong improvisational comedy game show ng Kapuso network na “Laff, Camera, Action!”

Kapwa magaling sa comedy ang dalawa, kaya naman may tawag na sa tandem nila at ito ay “BetSheen”.

First time ni Sheena sa ganitong klase ng hosting job simula noong maging artista siya dahil sa “Starstruck” noong 2003, samantalang si Betong ay sanay na dahil sa mga ginagawa niyang pag-host sa regional at international shows ng GMA-7.

“Actually ayaw ko talaga isipin na big project siya para hindi rin ako mabigatan at hindi rin ako ma-pressure.

“Gusto ko lang din talaga siya i-take din nang light kahit na alam naming pareho ni Kuya Betong na ang laki-laking project nito. Parang sinasabi nga namin, ‘Totoo ba ’to?’” sabay tawa ni Sheena.

Dagdag naman ni Betong: “Lahat naman ay nabibigyan ng chance, siguro this time, kami ni Sheena. Pero kung titignan mo rin ’yung ibang comedians natin sa GMA, ang dami naman din nilang shows din. Siguro nagkataon lang na ito ’yung show na na-assign sa amin ni Sheena.”

Hindi pa rin daw mawawala ang kaba sa kanilang dalawa kahit na sanay na silang humarap sa maraming tao. Pero dahil sa tiwalang binigay ng GMA sa kanila na maging host ng “Laff, Camera, Action,” iyon daw ang nakakadagdag ng pressure.

“Sa akin feeling ko pagwalang kaba, mas lalong nakaka-takot kasi parang sobrang kampante.

“Hindi naman ’yung kabadong-kabado, pero kung may kaba ka, merong space na pagbutihin mo ’yung craft mo, pagbutihin mo ’yung ginagawa mo,” diin ni Betong.

Sey naman ni Sheena: “Ang hinihingi lang po nila sa akin, bilang Sheena Halili dahil ito ay hindi nga po scripted.
“Pinili po nila kami based lang po talaga sa personality namin.

“Feeling ko alam naman po talaga nila kung hanggang saan po ako bilang komedyante, bilang artista. Happy rin po ako dahil bagong opportunity, bagong door na nag-open sa akin.”

Kasama naman sa “Laff, Camera, Action” bilang mga hurado sina Sef Cadayona, Gladys Guevarra at direk Cesar Cosme.

comments