Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Louise says she’s ready to go sexy

Louise says she’s ready to go sexy

Louise Delos ReyesHANDA na si Louise de los Reyes sa daring at off-beat roles. Panay ang post niya sa kanyang Instagram account ng sexy photos niya na naka-swimsuit siya. Carry naman ni Louise dahil pumayat na siya. Hindi na siya tabachingching gaya sa huling teleseryeng ginawa niya last year. Namumurok ang pisngi niya at bilugan ang kanyang katawan.

Sa bago niyang GMA afternoon series, “Magkaibang Mundo,” balik na sa dating porma ng katawan niya si Louise. Kinarir niya ang pagpapapayat. Kaya naman, aniya malakas na ang loob niyang magpaseksi.

Ibig kayang sabihin, handa na si Louise mag-sexy pose sa isang men’s magazine? Why not?

“I need to show more skin. I’m not getting any younger. And for myself, something to be proud of na this year na naging fit ako. Nakaya ko na ang fears ko,” lahad ni Louise. Ayaw niya na kung kailan matanda na siya at saka siya magpapaseksi. (Rowena Agilada)

comments