Home » News » Local » Billy on marrying Coleen: ‘I’m willing to wait’

Billy on marrying Coleen: ‘I’m willing to wait’

ITINUTURING ng magkasintahang sina Billy Crawford at Coleen Garcia na “the one” na ang isa’t isa at pwede nilang makatuluyan hanggang sa pagpapakasal sa hinaharap. Ito ang inihayag nila sa kanilang kauna-unahang sit down interview na magkasama sa ABS-CBN morning show na “Magandang Buhay” hosted by Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.

Pero ayaw raw madaliin ni Billy si Coleen na magpakasal. Handa raw siyang maghintay hanggang maging ready na ang girlfriend niya.

Ayon nga sa TV host-actor, “Masasabi ko she is the one. I mean, 34 years old na ako, so I don’t wanna waste time.

Wala nang oras sa mundo. Nagawa ko na lahat, 30 years na ako sa industriya. Sa buong buhay ko marami na rin akong pinagdaanan. Lahat nagawa ko na. Pero alam ko kasi may natitira pang oras para sa trabaho niya (Coleen), sa passion niya, ano ba talaga ang gusto niya. She’s turning 24, so ako I’m willing to wait patiently.”

Blessing din daw para sa kanila na ang biggest challenge sa kanilang relationship ay dumating noong bago pa lang silang magkarelasyon. Iyon yung mga panahong iniintriga sila dahil kaka-break pa lang noon ni Billy kay Nikki Gil.

Nakatulong daw ang kanilang mga pinagdaanan upang magdesisyon silang ipagpatuloy ang pagmamahalan nila.

Napagtagumpayan naman nila ito kaya masaya na sila sa kanilang relasyon ngayon.

Sabi nga ni Coleen, “Yung start ng relationship, kasi hindi pa kami sure e, ako hindi pa ako sure. So, paano ka lalaban kung hindi ka sure? You really have to take a chance.”

Dagdag pa ni Billy, “At saka ang dami nang involved. Alam mo iyon, inuunahan na kami. So, kung ano na lang yung pumapasok sa ulo namin sa isa’t isa. E eto kasi sinabi ng tao, alam mo yung nagpapaniwala sa ibang tao. Iyon ang pinakamali e.” (GLEN P. SIBONGA)

comments