Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Gladys Guevarra hindi na ‘lukaret’ sa pag-ibig

Gladys Guevarra hindi na ‘lukaret’ sa pag-ibig

26Gladys Guevarra copy

TAPOS na raw ang pagiging baliw sa pag-ibig ng comedienne na si Gladys Guevarra.

Aminado ang isa sa mga judge ng improvisational comedy game show ng GMA-7 na “Laff, Camera, Action” na luka-lukahan siya pagdating sa pag-ibig.

Ngayon daw ay matino na siya dahil nagkakaedad na raw siya.

“Jusko naman, 39 years old na ako. Nagbago naman na siguro tayo!” malakas na tawa niya.

“In fairness, nag-mature na ako when it comes to handling my emotions.

“Hindi na ako ’yung kapag may boylet, nakakalimutan kong maging matino sa trabaho.

“I’ve changed for the better. Tsaka may serious na non-showbiz boyfriend ako ngayon. He’s four years younger than me, pero magkasundo kami. Pareho kaming business-minded kaya nagkaroon kami ng negosyo kaagad. Car wash business ito and we’re doing good.”

Inamin din ni Gladys na marami siyang napag-hinayangang trabaho dahil sa pagiging luka-lukaniya noon. Ngayon ay parang nagsisimula na naman siya.

“Thankful ako kay Mamu (Andrew de Real) kasi sinama niya ako sa ‘Sunday PinaSaya.’ Na-revive ang character kong si Chuchay.

“Pero bago iyon, naging suki ako ng “Celebrity Bluff,” “Comedy Bar” at ng iba pang shows ng GMA-7.

“Sobrang loyal nga ako rito sa Kapuso network. Sana maisipan na nila akong bigyan ng kontrata!” tawa pa niya.

Wala raw manager ngayon si Gladys at siya ang diretsong kinakausap. Para raw wala nang sumama ng loob sa kanya kapag nagluka-luka-han na naman siya.

“It’s better na ako na ang muna. Mahirap ang masermunan, eh. Sa edad kong ito, ayoko nang may nanenermon pa sa akin.

Nakakahiya na.

“At least, kung magkamali man ako, wala akong sisisihin kundi sarili ko.

“Sa ngayon, okey naman lahat. Sunud-sunod naman ang mga trabaho.

“Kaya I feel blessed. Tapos may inspiration pa ako kaya thank you Lord!” pagtapos pa ni Gladys Guevarra.
(RUEL J. MENDOZA)

comments