Home » News » Local » Maria Isabel Lopez panalo sa love life

Maria Isabel Lopez panalo sa love life

KUNG naging scene stealer si Maria Isabel Lopez sa pagrampa niya sa red carpet sa nakaraang Cannes International Film Festival, kinabog naman siya ni Jaclyn Jose sa panalo nito bilang Best Actress for her performance in “Ma’ Rosa.”

Happy at super proud si Maria Isabel sa panalo ng friend niya na kauna-unahang Filipina actress na nanalong Best Actress sa CIFF. Ani Maria Isabel sa isang radio interview (“Yan ang Showbiz”), sinabi niya kay Jaclyn na dapat daw ay maka-grand slam ito sa iba’t ibang award-giving bodies. Nginitian lang daw siya ni Jaclyn. “Napaka-humble niya (Jaclyn),” ani Maria Isabel.

Cameo role lang siya sa “Ma’ Rosa,” ayon kay Maria Isabel. Siya ang nag-provide ng comic relief at aniya, mas mahaba pa ang trail ng gown niya sa kanyang exposure sa naturang indie movie. Pero may impact naman ang cameo role niya dahil napatawa niya ang mga nanood.

Kasama ni Maria Isabel sa Cannes ang American boyfriend niya. Two years na silang together at aniya, isa itong Human Rights lawyer at Labor leader. Suportado ng kanyang BF ang mga political prisoners.

Happy ang love life ni Maria Isabel at ’yun ang lamang niya kay Jaclyn Jose. Best actress nga ito sa Cannes International Film Festival, zero naman ang love life. Ganyan talaga ang buhay!

comments