Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Eugene nagliwaliw sa Europe

Eugene nagliwaliw sa Europe

EUGENE Domingo

NAG-e-enjoy ngayon ang Kapuso comedienne and TV host na si Eugene Domingo sa kanyang bakasyon sa Europe. Umalis siya noong May 22 at sampung araw siyang magbabakasyon.

Sa United Kingdom at Italy bibisita si Uge kasama ang kanyang kaibigang nagmula sa teatro na si Melvin Lee.

“Kailangan din nating mag-unwind, ’di ba? Sasamahan ko itong friend ko na magbakasyon sa Europe.

“Pagbibigyan ko lang ang sarili ko na magbakasyon. Pasyal, shopping, manood ng play sa West End. Gusto ko ay fresh ako pagbalik ko ng Pilipinas.

“Ten days lang naman ako mawawala dahil nagsimula na ang second season ng Dear Uge.

“Bago ako umalis ay nakapag-taping na ako ng dalawang episodes. Kaya pagbalik ko, okey pa rin ang schedules natin,” diin pa ni Uge.

Nilinaw ni Uge na wala siyang katatagpuin na kung sinong lalake sa bakasyon niya.

“Purely vacation lang ito. Panahon ko ito para sa sarili ko. Wala akong ka-eyebol doon!” malakas na tawa pa ni Uge.

Natuwa si Uge na nabigyan ng second season ang kanyang comedy anthology na “Dear Uge.”

Ibig sabihin nito ay maganda ang feedback nito at marami ang naaaliw sa kanilang mga kuwento.

“Akala ko nga magsisimula na ako ulit sa pagbabalik ng ‘Celebrity Bluff.’

“Sinorpresa nila kami dahil may season two naman pala ang ‘Dear Uge.’

“Happy ako na nabigyan kami ng second season. Kaya happy ang lahat ng bumubuo ng show lalo na ang sidekick kong si Divine Aucina at ang bagong miyembro ng show namin na si Atak Arana.

“For this new season, mga problema ng mga mag-asawa ang bibigyan naming ng buhay at solusyon.

“Marami ang nagpapadala ng mga kuwento sa amin at susubukan naming i-accommodate ang mga ’yan at mai-present namin nang maayos at ma-entertain ang marami,” pagtapos pa ni Eugene Domingo. (RUEL J. MENDOZA)

comments