Home » News » Local » Piolo prefers girl with strong faith

Piolo prefers girl with strong faith

PURING-PURI ni Piolo Pascual sina Dawn Zulueta at Coleen Garcia, ang dalawang leading ladies niya sa kanyang bagong Star Cinema movie na “Love Me Tomorrow.”

Una niyang inilarawan ang pakikipagtrabaho kay Dawn.

“Ibang klase si Ms. Dawn. I love working with seasoned actors because iba ’yung discipline, di ba? And si Ms. Dawn, ’yung energy niya sa set is very contagious kasi for an actor of her caliber, makikita mo ’yung passion. She’s been in the industry I think more or less 30 years, pero nandoon pa rin ’yung passion niya. ’Yung vibe na ibinibigay niya sa set ibang klase. Our director is 20 years her junior pero pinakikinggan niya.

“Tapos talagang attentive, kaya nakakatuwa. Hindi ka talaga pwedeng petiks sa set,” sabi ni Piolo nang mag-guest siya sa ABS-CBN morning talk show na “Magandang Buhay.”

How about Coleen? “Si Coleen naman, she’s the girlfriend of Billy (Crawford), so I know her already. Pero iba rin, bagong henerasyon. She worked with Gino before, so magkakilala na sila. What’s nice about Coleen is makikita mong gusto niya talaga ’yung ginagawa niya and she’s very eager to learn. E ang ganda pa, ang ganda ng mukha e.”

Ginagampanan ni Piolo sa “Love Me Tomorrow” ang role ni JC, isang happy-go-lucky DJ na mai-involve sa mas may edad (Dawn) at mas batang babae (Coleen).

Sa totoong buhay, ano ba ang mas gustong karelasyon ni Piolo, older or younger? “It doesn’t matter.”

Pretty or sexy? “It doesn’t matter. Pag mahal mo, mahal mo.”

Ano ba ang type niya sa babae? “Gusto ko iyong faith niya intact. Gusto ko yung maganda ’yung values, yung family values, ’yung tradition. I’m very old-fashioned, gusto ko talaga Pilipina.” (GLEN P. SIBONGA)

comments