Home » Entertainment » Timing » Topless pa more, clamor ng Aljur fans

Topless pa more, clamor ng Aljur fans

WISH granted sa Kapuso viewers ng “Once Again.” Sa isang episode nito this week ay may topless scene si Aljur Abrenica. Nanggaling siya sa banyo at pag labas niya, kita ang kanyang abs. Topless scenes pa more, ang clamor ng kanyang fans.

Ang lakas ng screen chemistry nina Aljur at Janine Gutierrez. May kilig factor ang pa-sweet moments nila, ang mga tinginan nila sa isa’t isa. Kung wala lang sigurong boyfriend (Elmo Magalona) si Janine, hindi kaya ma-fall sa kanya si Aljur? He claims single siya for the longest time matapos silang mag-break ni Kylie Padilla.

In any case, mamaya sa “Once Again,” takot na takot si Des (Janine Gutierrez) kay Lukas (Joko Diaz) noong nagkaharap sila. Nagtaka siya kung bakit tinawag siyang Reign ni Lukas.

Nagi-guilty si Des sa nangyari kay JV (Jeric Gonzales). Iintrigahin siya ng isang kapit-bahay kung totoong apo siya ni Carmen (Chanda Romero). Di raw kasi maayos ang trato nito sa kanya. Tatanungin ni Des si Madel (Jean Garcia) kung totoo bang anak siya nito. Aminin kaya o itanggi ni Madel?

Closed chapter

Ano ba ’yan? Hindi pa rin ba maka-move-on ang ilang diehard fans ni Antoinette Taus? Hindi pa rin nila matanggap na si Marian Rivera ang pinakasalan ni Dingdong Dantes na ex-BF ni Antoinette.

Closed chapter na ’yung nagging relasyon nina Dingdong at Antoinette. Kapuwa bagets pa sila noon. Sino ba ang dapat sisihin sa kanilang hiwalayan? Nagdesisyon noon si Antoinette na pumunta sa United States sa pag-asang magkakaroon siya ng Hollywood career. Hindi siya pinigilan ni Dingdong to pursue her dream. Nagpatuloy si Dingdong sa showbiz career niya rito sa Pilipinas, hanggang nabalitang nag-break na sila ni Antoinette.

He met Marian Rivera noong nagkatrabaho sila sa “Marimar.” The rest is history. Now, happily married sina Dingdong at Marian with their cute bundle of joy na si baby Zia. No more second chance for Antoinette and Dingdong. Pray nalang na darating din si Mr. Right for her.

Si Marian, walang dahilan para makabog at ma-insecure. Love na love siya ng hubby niyang si Dingdong. Kaya naman parating inspired magtrabaho si wifey. Kita at ramdam ’yun sa kanyang hosting stint sa “Yan ang Morning.” Always smiling si Marian. Guests today sa YAM sina Julie Anne San Jose at Christian Bautista. Tutukan ang mga hugot line sa love life sa kuwentong ihahatid ni Marian and her co-host na si Boobay.

Balik-GMA na?

Sa August this year mag-e-expire ang kontrata ni Ogie Alcasid sa TV5. Marami ang nagtatanong kung babalik ba siya sa Kapuso Network? Nag-guest kasi si Ogie kamakailan sa isang episode ng “Yan ang Morning.”

Wala pang pahayag si Ogie and his camp kung magre-renew ba siya ng kontrata sa TV5. O, kung babalik siya sa GMA7.

Abang-abang nalang.

Special birthday celebration

For sure, special at meaningful ang birthday ni Barbie Forteza on July 1 this year. Nineteen years old na siya at first time siyang magse-celebrate na may boyfriend, si Kiko Estrada. Lucky guy!

Estrada (Ejercito) talaga si Kiko, ayon sa mga taong nakakakilala sa kanilang pamilya. Matinik ito sa chicks tulad ng kanyang Lolo Joseph “Erap” Estrada at ng yumaong kapatid nitong si George Estregan na father ni Gary Estrada, Kiko’s dad na matinik din sa chicks noong kabataan nito. May pagmamanahan talaga si Kiko.

Si Kim Rodriguez ang ex-girlfriend ni Kiko. Bagaman wala silang public declaration na officially together sila, inamin naman nila sa ilang malalapit na entertainment writers ang totoong estado ng kanilang relasyon. May mga sighting sa kanila na hindi naman nila itinanggi.

Si Barbie ang unang umamin na boyfriend na niya si Kiko. Wala sigurong nagbawal, di gaya noong si Kim ang girlfriend ni Kiko. Kapuwa nila hindi diretsang maamin ang relasyon nila noon. Di ba unfair ’yun kay Kim? Pag si Barbie, okey lang na amining boyfie niya si Kiko.

Single uli

So, waley (wala) na talaga sina Rocco Nacino at Lovi Poe. Break na talaga sila. Sa Instagram post ni Lovi ng picture nilang tatlo nina Georgina Wilson at Solenn Heussaff noong kasal nito kay Nico Bolzico, ganito ang caption: “The Wife, The Bride and The Single.”

Naunang ikinasal si Georgina nitong May at sumunod si Solenn on May 21. Ang friend nilang si Isabelle Daza ay sa Sept. 10 naman ang kasal sa fiance’ nitong si Adrien Semblat. Gaganapin ’yun sa Tuscany, Italy.

comments