Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 2 drug pushers utas sa Zamboanga shootout

2 drug pushers utas sa Zamboanga shootout

Patay ang dalawang hinihinalang drug pusher nang makipagbarilan sa mga pulis sa Sitio Buntod, Barangay Buenavista, Zamboanga City noong Huwebes.

Kinilala ng mga pulis ang mga suspek na sina Omar Salim at isang Henry na alias na Kalbo. Dumating ang mga pulis sa hideout ng mga suspek upang arestuhin sila sa salang drug pushing.

Nagpaputok ang mga suspek ng makita ang mga pulis. Gumanti ng putok ang mga pulis at bumulagta ang mga suspek.

Narekober sa mga suspek ang mga baril, bala, at isang granada. Dinala ang bangkay ng mga suspek sa Cristino Paragas Memorial Hospital.

comments