Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Aiko’s son hurt by mom’s new relationship

Aiko’s son hurt by mom’s new relationship

NAGTAMPO pala kay Aiko Melendez ang panganay niyang si Andrei Yllana nang mauna pang ipaalam ng aktres sa Instagram bago sa kanyang anak na boyfriend na niya ang Persian businessman na si Shahin Alimirzapour. Anak ni Aiko si Andrei kay Jomari Yllana.

“Nagtampo siya sa akin. Lately lang ito, ito ’yung parang major na tampo niya sa akin.

“Kasi normally pag mayroon kaming hindi pinagkakasunduan, mga three days (hindi niya ako pinapansin), ganyan. Eto inabot kami ng one week and three days, bilang na bilang ko, hindi niya ako kinakausap, tapos cold treatment. Kasi alam naman niyang I go out on dates, he knows that, alam niya iyon. Ang pagkakamali ko lang talaga kasi naamin ko in Instagram bago ko pa nasabi sa kanya. So, pagkakamali ko naman talaga iyon.

“I’m really sorry, son, about that. Hindi ko bina-bypass ’yung mga anak ko sa pagkakataon na iyon, pero kasi ang pagkakaintindi ko at that time na alam nilang nagde-date ako at masaya ako, automatic na iyon. Hindi pala. Kailangan pala formality din, dapat ipaalam ko sa kanila,” pagbubunyag ni Aiko nang mag-guest sila ni Andrei sa ABS-CBN morning talk show na “Magandang Buhay.”

Paano nalaman ni Aiko na iyon pala ang ikinatampo ni Andrei? “Alam mo e, kapag anak mo. Alam mo kung ano ang nagpapasakit sa loob niya, ano ’yung nagpapalungkot sa kanya. So, I just felt and then I told him, ‘Son, let’s talk.

I’m really sorry for what I have done. I’m gonna make it up to you.’ And I am till now, I’m making it up to him by being very honest with every detail sa kanya ngayon.”

Ano naman ang naramdaman ni Andrei noong makita niya ang Instagram post ng mommy niya? “Ayun, hindi ko talaga alam ang gagawin ko noon e. Tahimik na lang ako. Ayun, nadala siya roon sa pagtatahimik ko,” ani Andrei.

So, kumusta na sila ngayon ng Tito Shahin niya? “Okay kami. Aalis kami sa Saturday. Bonding kami.”

Natutuwa naman si Aiko na okay na si Andrei kay Shahin. Pero ayaw naman daw niyang puwersahin ang dalawa na maging super close agad sa isa’t isa. “Slowly. I don’t want to force naman Andrei and I don’t want to force Shahin. Parang I want Shahin to exert that effort to Andre. So he is naman, slowly,” say ni Aiko. (GLEN P. SIBONGA)

comments