Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Ina, anak, dedo, asawa sugatan sa aksidente

Ina, anak, dedo, asawa sugatan sa aksidente

Namatay ang isang babae at kanyang anak na lalaki samantalang malubhang nasugatan ang kanyang asawa at kanilang drayber nang bumangga ang kanilang kotse sa nakaparadang trak sa Tigbao, Zamboanga del Sur, noong Miyerkules.

Kinilala ang mga biktima na sina Gay-Gay Alejandro at kanyang anak na si Jeron at ang mga nasugatan na si Ricky, asawa ni Gay-Gay, at kanilang drayber na si Arvin Climaco.

Ayon sa imbestigasyon, nagovertake ang sasakyan ng mga biktima sa isang trak pero nawalan ng kontrol si Climaco at bumangga sa nakaparadang trak.

Tumilapon palabas ang magasawa at kanilang anak samantalang naipit sa loob ng sasakyan si Climaco. Kaagad namatay ang magina dahil sa mga sugat at bali sa katawan samantalang dinala sa ospital si Ricky at Climaco kung saan sila kasalukuyang nagpapagaling.

Papuntang Davao City mula Zamboanga City ang mga biktima nang mangyari ang insidente. Napagalamang pagmamayari ng isang kumpanya ang sasakyan ng may plakang ACB-7076.

comments