Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jennylyn still leading the sexiest women list

Jennylyn still leading the sexiest women list

CHILL lang si Anne Curtis at ayaw niyang magpa-pressure sa mga taong nagtatanong kung kailan naman sila magiging engaged couple ng boyfriend niyang si Ewan Heussaff.

Nagpakasal na ang BFFs (best friends forever) niyang sina Georgina Wilson at Solenn Heussaff. Soon to be married na rin ang isa pa nilang BFF na si Isabelle Daza. Sa Sept. 10 ang kasal niya and her foreigner fiancé na gaganapin sa Tuscany, Italy.

Take note na pawang foreigners ang karelasyon ng magkakaibigang “It Girls” (tawag sa kanila). Pinag-usapan kaya nila na foreigners ang dapat maging love partners nila? O, nagkataon lang na type nila ang mga may dugong banyaga?

Sa isang interbyu kay Anne nu’ng 19 or 20 years old pa lang siya, sinabi niyang gusto niyang mag-asawa at magkaanak kapag 25 years old na siya. Umabot na siya sa edad niya ngayong 31, pero unmarried at wala pa ring anak si Anne.

Ang sinasabi niya sa mga interbyu sa kanya ngayon, two or three years pa bago siya magpapakasal. Marami pa raw kasi siyang gustong gawin para sa kanyang career. What if, sooner or later ay mag-propose na rin sa kanya ng marriage si Erwan?

Foreigners ang type

Maraming female celebrities ang nai-in love sa mga banyagang lalaki. Si Ruffa Gutierrez na kahit tutol ang kanyang mommy Annabelle Rama ay tuloy pa rin ang relasyon kay Jordan Mouyal. Foreigner din ang ex-husband ni Ruffa na si Ylmaz Bektas at dalawa ang naging anak nila. Si Ina Raymundo ay foreigner din ang asawa at lima na ang anak nila.

Si Vina Morales, mukhang engaged na sa French boyfriend niyang si Marc Lambet. Sa post niya sa kanyang Instagram account, ipinakita ni Vina ang magkasamang picture nila na ’yung isang kamay niya’y may suot siyang tatlong singsing na ‘yung isa’y mukhang engagement ring.
Nagbakasyon sila sa France at doon na rin sila nag-celebrate ng kanilang 9th monthsary. Ang daming pictures nila na kuha sa iba’t ibang lugar ang ipinost ni Vina sa kanyang Instagram account.

Si Aiko Melendez ay foreigner din ang boyfriend, ganu’n din sina KC Concepcion at Sam Pinto na parehong Philippine Azkals football players ang karelasyon. Si Aly Borromeo for KC at si Misagh Bahadora for Sam. Lebanese naman ang boyfriend ni Lotlot de Leon. American ang boyfriend ni Maria Isabel Lopez. Fil-Am-Chinese ang fiance’ ni Rufa Mae Quinto na si Trevor Magallanes. Sa Nov. 25 this year ang church wedding nila.

Si Jean Garcia ay nagka-boyfriend ng Japanese at nagkaroon sila ng isang anak na lalaki. Si Jean Saburit ay nagka-boyfriend ng taga-Sweden at nagkaroon sila ng anak na babae, si Nicole. Isang Chinese ang napangasawa ni Sunshine Dizon. Foreigner din ang husband ni Jewel Misch, ang ex-girlfriend sa dilim ni Richard Gutierrez.

Nangunguna pa

Nangunguna pa rin si Jennylyn Mercado sa listahan ng 2016 FHM’s 100 Sexiest Women. Pero anang Kapuso actress, hindi naman siya nag-e-expect.

“Mahirap mag-expect. Kung anuman ang maging desisyon nila (mga bumoboto), happy na ako. Masaya lang isipin na kahit papaano, napapansin pa rin nila. Uy! Naaalagaan ko sarili ko, kahit nanay na ako,” saad ni Jennylyn.

This month mag-e-expire ang kontrata niya sa GMA Network at inaabangan kung magre-renew siya o lilipat siya sa ibang network. Wala pang pahayag si Jennylyn.

Ang sinabi lang niya, may gagawin siyang pelikula at aniya’y excited na siyang mag-shoot dahil maganda ang story nito.

Impaktita

Kontrabida na naman ang role ni Katrina Halili sa upcoming afternoon prime series niya sa GMA7. Follow-up ito sa “Destiny Rose” kung saan kontrabida rin ang role ni Katrina.

Aniya, sa bago niyang afternoon prime series na may working title na “Womb for Hire,” sobrang maldita ang karakter niya. Kamumuhian siya at grabeng pagmamaldita ang gagawin niya kay Yasmien Kurdi.

“Nung binabasa ko ang script, naawa ako sa kanya. Gugulpihin ko siya, sasampalin at kung anu-ano’ng pahirap ang gagawin ko. Pero hindi siya gumaganti. Parang ang daming delubyo ang mangyayari sa kanya at sobrang impaktita ako,” lahad ni Katrina.

Kasama sa cast si Mark Herras na ka-batch nila ni Yasmien sa “Starstruck 1.” Sina Mark at Jennylyn Mercado ang tinanghal na Male and Female Survivors. Starstruck Avengers naman sina Katrina at Yasmien.

comments