PAHINGA raw muna ang Kapuso actress-singer na si Manilyn Reynes sa mabibigat na teleserye.
Huling napanood si Mane sa afternoon teleserye na āDestiny Roseā kung saan marami siyang naging iyakan na eksena.
āPhysically and emotionally draining noong ginagawa ko āyung āDestiny Rose.ā
āWalang eksena na hindi ako umiiyak!
āThis time, iwas muna ako sa mga mabibigat na roles at gusto ko naman ng light ā āyung magpatawa naman ako.
āKaya tamang-tama lang noong dumating itong role sa āPoor SeƱorita.ā
āGustung-gusto ko kaya mag-comedy naman muna tayo,ā ngiti pa ni Mane.
Gumaganap si Mane bilang si Ligaya de Beauvoir sa primetime teleseryeng āPoor SeƱorita.ā
Natuwa si Mane dahil first time niyang makakasama si Asiaās Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa isang teleserye.
āKaya welcome change sa akin itong āPoor SeƱorita.ā
āThough may ginagawa naman akong comedy series na āPepito Manalotoā with Michael V., iba itong binigay na character sa akin sa āPoor SeƱorita.ā Enjoy na enjoy ako kasi karakter na karakter siya,ā sey pa ni Mane.
Hindi nga raw nakakasama pa ni Mane si Regine sa anumang pelikula o TV show. Kaya itong first time na pagsasama nila ay magiging isang memorable experience sa kanilang dalawa.
āItās my chance to work with Regine.
āMas nakatrabaho ko nang matagal ang mister niyang si Ogie Alcasid.
āSi Regine ay nakasama ko na sa ibang musical shows sa GMA-7 like āS.O.P.,ā āParty Pilipinas,ā āSunday All Starsāā¦ pero never pa sa isang teleserye talaga.
āKaya nakaka-excite kasi first time, eh. Tapos nagkakakuwentuhan pa kaming dalawa during break time sa set.
āAng saya lang, lalo na kapag may eksena na kaming dalawa.
āKaya abangan nila kung ano ang magiging papel ko sa buhay ni Regine dito sa āPoor SeƱorita.ā Kung kakampi ba ako o kaaway niya?ā pagtapos pa ni Manilyn Reynes. (RUEL J. MENDOZA)