Home » News » News Roundup » Extortionist tiklo

Extortionist tiklo

Arestado ang isang lalaki matapos subukan nitong kikilan ang isang babae para matubos ang isang cellphone nito sa Quezon City.

Kinilala ni Police Supt. Pedro T. Sanchez, Quezon City Police District (QCPD) Kamuning Police Station 10 (PS-10) commander ang suspek na si Adrian Cruz, 22-anyos, walang trabaho at residente ng Kapalaran St., Don Antonio Subdivision, Holy Spirit, Quezon City.

Isang entrapment operation ang isinagawa ng pulis matapos makatanggap ang ito ng reklamo sa biktima na si Sheila Mae Elamparo, 21-anyos, single, executive assistant, at residente Brgy.

Wack-Wack, Mandaluyong City. Ayon sa kay Elamparo, hinihingian umano siya ng suspek ng halagang P15,000 para maibalik ang ninakaw na cellphone nito.

Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya sa Tandang Sora kanto ng Commonwealth Avenueb kung saan natiklo si Cruz kasama pa ang dalawang kasabwat nito na sina Archimedes Alfonso Aguilar at Bryld Muñez.

comments