Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Social media sensation denies sex video scandal

Social media sensation denies sex video scandal

by Ruel J. Mendoza

Luis Hontiveros

Luis Hontiveros

NATURAL charmer ang guwapong male model nephew ng newly-elected Senator Risa Hontiveros na si Luis Hontiveros.
Naging kontroberyal si Luis dahil sa nabalitang may video scandal daw ito.

Pero itinanggi na niya ito at na-delete na ang naturang video sa isang popular gay porn website kung saan ito unang lumabas.

Kapansin-pansin kay Luis ay ang kanyang pagiging charming at sexy.

Pero mahirap paniwalaang wala raw girlfriend itong si Luis.

Pinagtataka nga raw ito ng kanyang Tita Risa. Matagal kasing nagtrabaho ito bilang ramp model kaya parang imposibleng wala itong maligawang babae.

Ayon pa kay Senator Hontiveros: “Nagtataka ako kung bakit walang girlfriend si Luis ngayon, pero hindi naman ako nag-aalala sa love life niya.

“Sigurado akong gagawa rin ng mga desisyon si Niño para maging maligaya sa buhay.”

Niño ang tawag ng senadora sa kanyang pamangkin na si Luis.

Dagdag pa ng senadora na napakalambing na bata ni Luis.

“Si Luis mula nung pagkabata niya, napaka-sweet na bata niyan.

“Mula noon sa kanyang mga magulang, sa aming mga tita at tito at hanggang ngayon sa mga kapatid niya.

“Talagang kahit busy siya sa trabaho, uuwi siya sa bahay nila tuwing weekend. At talagang pinag-iisipan niya ano kaya ang pasalubong na pwedeng dalhin, anong papuri ang pwedeng sabihin niya.”

Kaya naman si Luis ay parati nalang inaabangan ng marami sa social media. Sa Instagram ay may higit na 45,000 followers na siya.

May promise si Luis sa babaeng magiging girlfriend niya…

“Pinapangako ko sa inyo ’pag ako naging boyfriend n’yo, may forever na.”

In 2009 ay nag-audition si Luis para sa reality artista search ng GMA-7 na “Starstruck 5” kung saan nakasabay pa niya si Pambansang Bae Alden Richards.

Pareho silang hindi nakaabot sa Final 14, pero mas sikat pa sila ngayon sa nanalong si Steven Silva.

comments