Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 1 patay, 9 sugatan sa truck crash

1 patay, 9 sugatan sa truck crash

ZAMBOANGA CITY – Patay ang isang truck helper habang walong iba pa ang sugatan nang mahulog sa bangin ang isang truck ng buhangin sa Sirawai, Zamboanga del Norte, noong nakaraang Biyernes.

Base sa police report na dumating sa 9th Police Regional Office, binabagtas ng truck (GRS 679) ang daang kumukonekta sa Barangay Bitugan at Barangay Piakan, nang mahulog ito sa bangin.

Kinilala ng pulisya ang namatay na si Jay-Ar Andico. Ang siyam na sugatan ay nakilalang sina Nuriel Andico, driver; Niño Andico, 18, truck helper; Junil Andico, Jenjen Andico, Jayvee Andico, Bongkeri Andico and Jonard Andico, lahat ay minor de edad; hitchhikers Sutlaiya Alvarez, 85, at Salbia Sandag. Isinugod silang lahat sa Sirawai Health Center for treatment.

comments