Home » News » 2 bangkay natagpuan

2 bangkay natagpuan

Natagpuan ang bangkay ng isang paslit sa Quezon City noong Lunes. Ang paslit na lalaki na tinatayang lima hanggang 10 taong gulang ay natagpuang lumulutang habang nangingisda ang isang lalaki sa Marikina River sa Area 4, Sitio Payong, Barangay Old Balara noong Lunes ng madaling araw.

Hinihinalang nahulog at nabagok ang ulo ng biktima sa ilog dahil sa tinamo nitong sugat sa likod ng ulo. Samantala, isang bangkay ng lalaki ang natagpuang lumulutang ng isang security guard sa dagat sa Barangay North Bay Boulevard South, Navotas City kahapon.

Ang biktima ay tinatayang 30 hanggang 35 taong gulang, may tangkad na 5’8”, nakasuot ng gray T-shirt at berde at asul na shorts, at may mga tattoo sa katawan.

Tinakpan ng sako at binalot ng packaging tape ang ulo at nakatali ang mga kamay ng biktima ng pagckaging tape nang ito ay matagpuan. Hinihinalang biktima ng salvage ang lalaki. (Francis T. Wakefield and Jel Santos)

comments