Home » News » Cabanatuan wanted man nadakip

Cabanatuan wanted man nadakip

Nadakip ng pulisya ang tinaguring “Number 10 most wanted person” ng Cabanatuan City dahil sa kasong statutory rape sa isinagawang operasyon noong Miyerkules.

Kinilala ni Senior Supt. Manuel Estrleja Cornel ang nadakip na suspek na si Albert Joson Dalacat, 35, nakatira sa Barangay Aduas Sur, Cabanatuan City.

Ayon kay Cornel, inaresto ng mga operatiba ng Cabanatuan City Police Station si Dalacat sa Paco Roman Public Market bandang 8:30 p.m.

Miyerkules sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong statutory rape na ipinalabas ni Presiding Judge John Manuel Romano RD Mendoza ng RTC Branch 26 noon Enero 13, 2016. Kasalukuyang nakapiit si Dalacat sa Cabanatuan City Police Station. (Franco G. Regala)

comments