Home » Entertainment » Confidently beautiful and sexy

Confidently beautiful and sexy

Barron and Kiko

NAKITA na kaya ni Cesar Montano ang sexy photos ng ex-wife niyang si Sunshine Cruz na ipinost nito sa kanyang Instagram account? Hindi kaya siya nanghinayang o nasabik makapiling muli ang kanyang ex-wife?

Confidently beautiful and sexy si Sunshine sa kanyang two-piece swimsuit. Hot momma, pormang dalaga pa ang katawan at super flawless ang nakakasilaw na kaputian ni Sunshine. Hindi iisiping nanay na siya ng tatlong nagdadalagang anak na sina Angelina, Samantha at Frencesca.

Kahawig ni Cesar ang mga anak nila ni Sunshine. Kamakailan ay nag-bonding time ang mag-iina sa Balesin Island sa Quezon. Sa photos na ipinost ni Sunshine sa kanyang social media account, parang magkakapatid lang sila. Sunshine is 38 years old, pero she looks younger than her age.

Mukhang naka-move on na siya talaga sa hiwalayan nila ni Cesar at Malabo nang magka-second chance sila.

Ayon nga sa isang netizen, best decision ang hiniwalayan ni Sunshine ang kanyang philandering husband. Just curious, nakadalaw kaya si Sunshine sa burol ng mother ni Cesar na namatay kamakailan? Wala kasing balita kung nagpunta si Sunshine o kahit ang tatlong anak nila ni Cesar.

Taken na rin

In a relationship na rin si Garrie (Gabrielle) Concepcion, anak ni Gabby Concepcion kay Grace Ibuna. Si Michael Pangilinan ang boyfriend ni Garrie.

Sa isang interbyu noon kay Michael, inamin niyang magiging father na siya, courtesy ng kanyang non-showbiz partner.

Ang half-sister ni Garrie na si KC Concepcion ay “taken” na rin at ang Philippine Azkals football player na si Aly Borromeo ang boyfriend ng kanyang ate KC.

Si Chloe na anak naman ni Gabby kay Jenny Syquia, may boyfriend na rin kaya? Never pang nagkita ang mag-ama. Mukhang walang effort si Chloe na Makita ang kanyang daddy, di tulad ng kanyang ate KC na gumawa ng paraan para magkita sila ng kanyang papa Gabby after 12 long years.

Anytime, anywhere

Mainit pa rin ang indie actor na si Kiko Matos sa isang radio interview (“Wow! It’s Showbiz”) sa kanya kaugnay ng engkuwentro nila ni Baron Geisler sa isang bar sa QC.

Ani Kiko, call siya sa hamon ni Baron na magkita sila at bibigwasan siya nito. Kung gusto ni Baron ng fair fight, anywhere, anytime, handa siya, ayon kay Kiko. “Ayaw niyang tapusin, hindi ko rin tatapusin,” sabi ni Kiko.

Inamin niyang siya ang unang sumapak kay Baron. Minura at pinahiya raw kasi sila ng mga kaibigan niya noong nasa stage si Baron. Naka-microphone pa raw ito at pinapaalis sila.

Ani Kiko, pinapababa nila si Baron dahil nakiki-jamming ito sa bandang tumutugtog. Kumbaga, nanggugulo ito. Nagalit daw si Baron at nagkasagutan sila.

May mga taong umawat at pinagbati sila. “Sabi ko sasarili ko, makaisa lang ako kay Baron. Hindi pwedeng sinu-sinuhin niya lang kami. I take responsibility for my action. Kung ano’ng mangyari, I’ll face the consequences,” sabi ni Kiko.

Inamin niyang nakainom siya, pero nasa tamang pag-iisip pa rin siya. Hindi raw niya masabi kung lasing si Baron dahil hindi niya nakitang may hawak ito ng alak.

Ang mensahe ni Kiko kay Baron, “Kung ano’ng gusto mong mangyari, gawin natin. Patas na laban. Kung gusto mong pag-usapan, open ako.”

Sana lang, may mga taong gumawa ng paraan para magkausap sina Baron at Kiko. Or else, baka kapag nagkita sila’y hindi lang sapakan ang mangyari. Pareho silang naghahamon sa kanilang respective Facebook accounts. Si Baron, may halong pang-aasar pa.

comments