Home » News » Couple pinagbabaril sa La Union

Couple pinagbabaril sa La Union

CAMP DIEGO SILANG, La Union – Patay ang isang 31-gulang na lalaki habang malubhang nasugatan ang kanyang asawa nang barilin sila ng dalawang hindi kilalang lalaking nakamotorsiklo sa CP Valdez Street, Barangay Magallanes, Luna, La Union, nitong Lunes.

Kinilala ni Chief Inspector Artemio Infante, La Union police information officer, ang mga biktima na sina Alberto C. Labnas, 31, at asawang Maria Catherine, 31.

Ayon kay Infante, paalis na ang mag-asawa sa kanilang tindahan sa palengke sakay ng kanilang motorsiklo bandang 7:45 p.m. nang sundan at pagbabarilin sila ng dalawang salarin.

Patay na nang idating sa ospital si Alberto dahil sa tatlong tama ng bala sa likod at isa pa sa kaliwang bahagi ng katawan.

Ang kanyang asawa na nagtamo ng mga sugat sa binti ay kasalukuyang ginagamot sa isang ospital sa San Fernando City, La Union.

Ayon kay Chief Inspector Arsenio Ramos, Luna police chief, inaalam pa nila ang motibo ng pagpatay sa biktima. “This is either, business rivalry, love triangle or mistaken identity,” sabi ni Ramos. (Erwin G. Beleo)

comments