Home » News » Kelot dedo sa ex ng live-in partner

Kelot dedo sa ex ng live-in partner

Patay ang isang lalaki pagkatapos barilin ng dating nobyo ng kanyang live-in partner sa Mandaluyong City noong Martes.

Kinilala ng Mandaluyong police ang biktima na si Jaypee Villanueva, 28. Naglalakad pauwi ng bahay sa Ugnayan St., Welfareville Compound, Barangay Addition Hills ang biktima ng lumapit ang suspect na si Erick Robio, alias “Scott,” isa ring residente ng Barangay Addition Hills, at binaril si Villanueva sa dibdib na kaagad nitong ikinamatay.

Tumakas ang suspect pagkatapos ng insidente. Napagalamang dating kinakasama ng suspek ang ngayon ay live-in partner ng biktima na si Daina Bocle, na nagsampa ng kasong physical injury kay Robio noong nakaraang buwan sa barangay. (Betheena Kae Unite)

comments