Home » News » 18 lasing sa kalye arestado ng QCPD

18 lasing sa kalye arestado ng QCPD

Labingwalong katao ang inaresto ng Quezon City Police District habang nagiinuman sa kalye sa Quezon City noong Miyerkules ng gabi.

Iniulat ng Quezon City Police District-Public Information Office na 10 katao ang inaresto ng QCPD Station 12 samantalang walo naman ang nahuli ng QCPD Station 11.

Ayon kay Supt. Jeffrey B. Bilaro, QCPD Station 12 commander, naaresto ang 10 katao sa El Pasco St., Barangay Libis, ng mga operatiba na pinamumunuan ni Senior Insp. Juan Fidel Valeroso sa kampanya na tinawag nilang “Oplan:

Disiplina.” Ang iba naman ay nahuli ng QCPD Station 11 sa Agno Extension St. at Cadiz St., Barangay Tatalon, at Bayani St. at Lantawan St., Barangay Doña Imelda. (Francis T. Wakefield)

comments