Home » News » 2 bahay nasunog sa QC

2 bahay nasunog sa QC

Tinatayang R500,000 halaga ng ari-arian ang naabo sa sunog na tumupok sa dalawang bahay sa Quezon City kahapon.

Sinabi ni Fire Supt. Jesus Fernandez, Quezon City fire marshal, na nagsimula ang sunog ng 4:31 a.m. sa sala ng bahay ni Christopher Buen sa JP Rizal St., Doña Faustina, San Bartolome at kumalat ang apoy sa kapitbahay.

Kaagad dumating ang mga bumbero at naapula ang sunog bago mag-alas singko ng umaga. Walang naiulat na namatay o nasaktan sa sunog na umabot sa ikalawang alarma. Inaalam na ang dahilan ng sunog. (Francis T. Wakefield)

comments