Home » News » 2 biktima ng salvage natagpuan sa Manila

2 biktima ng salvage natagpuan sa Manila

Isang lalake at babaeng hinihinalang biktima ng salvage o summary execution ang natagpuan sa Road 10, Tondo, Manila kahapon.

Nakabalot ng packaging tape ang mga ulo ng mga biktima nang matagpuan sila ng isang barangay tanod. Ang biktimang babae ay tinatayang 35 hanggang 40 taong gulang at nakasuot ng pulang sweat shirt at denim pants.

Ang biktimang lalake naman ay mula 35 hanggang 40 taong gulang din at nakasuot ng asul na shirt at shorts.

Ayon kay Supt. Redentor Ulsano, commander ng Manila Police District Station 1, maaaring pinatay sa ibang lugar ang mga biktima at itinapon lamang sa Road 10. Dinala ang mga bangkay sa St. Yvan Funeral Homes sa Sta. Cruz, Manila. (Jenny F. Manongdo)

comments