Home » Entertainment » Alden and Maine gain extra pounds in Italy

Alden and Maine gain extra pounds in Italy

Alden and Maine

KAABANG-abang kung matutuloy ang paghaharap nina Baron Geisler at Kiko Matos para sa patas na laban. Nag-alok ang Universal Reality Combat Championship (URCC) ng libreng venue para magkaalaman na kung sino kina Baron at Kiko ang may ibubuga o itatagal sa hamon nila sa isa’t isa na magsapakan sila.

May imbitasyon ang pamunuan ng URCC kina Baron at Kiko sa June 25 para sa The URCC Fight Night. Diumano’y tinanggap ng magkabilang kampo ang imbitasyon.

Kaabang-abang talaga kung parehong darating sina Baron at Kiko. Baka naman, bago mag-June 25 ay magkaayos na sila. Mas mabuti kung magkakaganoon.

May mga nag-iisip na baka raw gimmick lang ng mga namamahala sa respective careers nina Baron at Kiko ang gulong kinasangkutan nila sa isang bar sa QC. Ano ’yun, para magkaroon sila ng project?

Tumaba

Three weeks lang sa Italy sina Alden Richards at Maine Mendoza pero mukhang pareho silang tumaba. Naunang dumating si Alden at kapansin-pansin nang umapir siya sa “Eat Bulaga” noong Lunes (May 30) na bumilog ang kanyang mukha. Pero pogi pa rin ang Pambansang Bae.

From Italy, nagpunta pa sa Germany si Maine. Balik-Pilipinas siya noong Lunes (May 30) at umapir siya noong Miyerkules (June 1) sa “Eat Bulaga.” No show naman si Alden.

Napansin ng mga lola Nidora (Wally Bayola) at lola Tinidora (Jose Manalo) niya na tumaba si Maine. Naging bilugan ang kanyang mukha. Namumurok ang kanyang mga pisngi. In fairness, bagay naman sa kanya. She’s prettier than ever.

Puring-puri naman ni direk Joey Reyes si Alden. Nag-effort ang Kapuso actor na tawagan siya para magpasalamat sa kanya (direk Joey) sa mga sinabi niya sa isang TV interview about him (Alden). Ani direk Joey, sa tinagal-tagal niya sa showbiz industry, wala pang nag-effort na tawagan at pasalamatan siya. Nag-iisa lang daw si Alden sa kagandahang-asal at deserve nito ang lahat ng blessings na dumarating. “Because he is a good man,” sambit ni direk Joey. Very true!!!

Kinabahan

Sobrang kinabahan si Kylie Padilla noong una silang nagka-eksena ni Marian Rivera sa requel ng “Encantadia.” Marian plays Ynang Reyna at Sang’gre Amihan naman ang role ni Kylie.

Aniya, hindi niya alam na matinding kaba ang mararanasan niya nu’ng magka-eksena na sila ni Marian. Na-starstruck siya kay Marian. “Pumasok pa sa isip ko ’yung respeto ko sa kanya. Sobrang bait niya at saka, kita ’yung professionalism niya,” lahad ni Kylie.

Samantala, bukod sa inaabangan si Marian sa requel ng “Encantadia,” nag-e-enjoy naman siya sa hosting ng kanyang morning talk show, “Yan ang Morning.” Guests today ang mag-pinsang Ciara at Danica Sotto at ibabahagi nila sa viewers ang feeling na kabilang sila sa extraordinary showbiz family.

May respective families na rin ngayon sina Ciara at Danica. Makikigulo rin sila sa kusina nina Marian at Boobay para sa isang recipe na perfect sa mga praktikal na nanay. Tutok lang sa YAM at 9:30 a.m. sa GMA.

Ayaw talaga

Mukhang Barbie doll si Janine Gutierrez. Hindi nakakasawang tingnan ang kanyang ever smiling, beautiful face. Beauty queen material talaga.

Wala nga lang makapilit kay Janine mag-join sa beauty contest dahil aniya, mas gusto niyang makilala bilang isang mahusay na aktres.

Mukhang hindi naman mabibigo si Janine dahil hindi lang ganda ng mukha ang puhunan niya, may talent siya sa pag-arte. Kita ’yun sa performance niya sa “Once Again.”

Sa episode mamaya, mapipilitan si Des (Janine) sumama kina Carmen (Chanda Romero) at Lukas (Joko Diaz) para dalawin si Agnes (Sheryl Cruz). Sasabihin ng manghuhula kina Lukas at Agnes na may koneksiyon silang pareho kay Des.

Sasabihin nito kay Agnes na buhay ang anak niya.

Mahuhulog sa swimming pool si Des at sasagipin siya ni Aldrin (Aljur Abrenica). Isi-CPR ni Aldrin si Des. May maaalala sila sa paglalapat ng kanilang mga labi at sa pagdilat ng mga mata ni Des.

comments