Home » News » Maintenance crew nalunod sa park pool

Maintenance crew nalunod sa park pool

Patay ang isang maintenance crew nang malunod umano sa swimming pool ng La Mesa Eco-Park sa Barangay Lagro, Quezon City noong Martes.

Kinilala ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang biktima na si Alfredo Tapia, 54, residente ng Sitio Ruby, Barangay Greater Fairview, Quezon City at maintenance crew ng La Mesa Eco-Park.

Ayon sa salaysay ng security guard na si Allan Ibay sa QCPD-CIDU, nagbabantay siya sa lobby nang marinig niya sa radyo na may nalunod na empleyado sa isang swimming pool sa eco-park.

Pagkaraan ng ilang minuto, nakita ni Ibay na dinadala ang biktima patungong ospital kung saan siya idineklarang patay.

Napagalamang may party kasama ang biktima sa swimming pool ng mangyari ang insidente. Masusi nang iniimbestigahan ang insidente ni PO2 Virgilio Mendoza ng QCPD-CIDU, ang may hawak ng kaso. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments